CAMARINES NORTE – Inihayag ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o Pagasa na hihina na ang El Niño ngayong Abril o sa Mayo.
Sa pakikipag ugnayan ng Brigada News FM Daet kay Pagasa Bagasbas weather specialist Ajannete Ebron, inihayag nito na posibleng sa buwan ng Hulyo nitong taon ay magsimula naman ang La Niña o ang pagkakaroon ng above-normal rainfall conditions.
Sa ngayon ay itinaas na ng Pagasa ang La Niña watch sa bansa.
Mula nang ideklara ang panahon ng tag- init nasa 44 degrees celsius ang naitala na heat index o ang init na nararamdaman ng katawan dito sa Daet at ito ay naitala noong March 28 at nitong Lunes, April 1 .
Nasa 33. 1 degrees Celsius naman ang naitalang maximum temperature noong Lunes.
