Nabakunakan na kontra covid-19 ang 1,361 na tauhan ng Police Regional Office 3 ng Regional Medical And Dental Unit.
Habang nasa 8,368 naman ang naturukan na ng iba’t ibang local government unit sa Central Luzon.
Ito ay bilang proteksyon na rin sa mga kapulisan lalo na ngayong marami sa mga ito ay nasa iba’t ibang checkpoints dahil sa mahigpit na pagpapatupad ng quarantine protocols.
Samantala, kasabay nito ay nag-ikot rin ang Wellness on Wheels team ng PRO3 para mamigay ng bitamina sa mga tauhang nasa checkpoints.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
Photo Courtesy: Police Regional Office 3
