Mga business establishment na patuloy ang pagbebenta ng uncertified products, paparusahan

Maaaring patawan ng parusang administratibo o criminal ang mga business establishment na patuloy na maaaktuhang nagbebenta ng mga uncertified products na walang Philippine Standard Mark o ICC stickers.

Ito ang inihayag ni DTI-Isabela Consumer Protection Division Chief Elmer Agorto sa naging panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan.

Aniya, nakadepende umano sa bigat ng paglabag ang maaaring ipataw na parusa sa mga retailers at manufacturers.

Paglilinaw nito, ini-endorso na umano nila sa Provincial Office ang mga mahuhuliang lumalabag sa RA 7394 O Consumer Act of the Philippines kung saan ang kanilang adjudication office na ang tutukoy ng ipapataw na parusa.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Mayroon aniyang sinusunod ang DTI na table of fines kung saan aabot ng 25, 000 ang basic fine hanggang 350,000 pesos ngunit ito umano ay “per type per product” at hindi pa kabilang ang dami ng uncertified product na ibinebenta anuman ang volume nito.

Kaugnay dito, tinatayang nasa 800,000 na ang naitalang penalty ng ahensya mula noong 2019.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Samantala, ngayong araw ay isinagawa ng DTI ang pagsira sa mga nakumpiskang uncertified products mula noong 2019 at tinatayang nagkakahalaga ng nasa 368, 160 pesos.

Dagdag pa ni CPD Chief Agorto, ang mga nasabing mga produkto ay settled na bago pa man isagawa ang naturang disposisyon o pagsira sa mga ito.

Ang mga hindi sertipikadong produkto partikula ang mga electrical product ay hindi umano maaaring ibinebenta sa merkado dahil maaaring hindi ito ligtas para sa mga konsyumer na gagamit nito.