Kongkretong programa para sa subsidiya hiling ng SORINTRAFED

SORSOGON CITY – Kongkretong programa para sa ayuda ng transport sector, ito ang pangunahing hiling ng Sorsogon Integrated Transport Federation (SORINTRAFED) sa pamahalaan.

Sa pahayag ni SORINTRAFED President Ramon Dealca, sinabi nito na hindi naman kasi umano maganda kung lagi na lamang na sila ang mag-aadjust sa tuwing mayroong mga oil price hike o anupamang krisis na kinakaharap ang kanilang hanay.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Paliwanang nito, kung mayroon kasing establisadong programa para sa subsidiya ng transport sector, anuman ang kaharaping sitwasyon ng nasabing sector ay agad na matutugunan dahil mayroon nang nakahandang hakbangin na ipapatupad na lamang.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Sa ganitong paraan aniya ay hindi mapaparalisa ang kanilang hanay at hindi rin maaapektuhan ang kanilang kabuhayan gayundin ang mga negosyante, mamimili partikular na ang mga mananakay.