Mga batang may comorbidities, maaaring maisama sa vaccination priority group-DOH

Maaaring maisama sa vaccination priority group ng gobyerno ang mga batang may comorbidities.

Ayon kay Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III, ang mga batang may medical conditions sa puso, baga, o iba pang karamdaman, ay dapat na umanong payagan at maisama sa mga priority ng bakunahan.

Read More:  Rescued Philippine Eagle Sawaga-Dalwangan dies during rehabilitation

Noong Hunyo, inaprubahan ng Philippine Food and Drug Administration (DFA) ang paggamit ng bakuna ng Pfizer at BioNTech sa mga batang may edad 12 hanggang 15.

Read More:  Palace says Dizon cleared, Cayetano not investigated in SEA Games issue

Samantala, ang Sinovac naman na mula sa bansang China ay kasalukuyan pang naghihintay ng amyenda upang payagan ang paggamit ng kanilang bakuna para sa emergency use sa mga batang may edad tatlo hanggang labing pitong taong gulang.