Mga batang hindi pumapasok dahil sa pambubully, naitala sa Naga City; Anti-Bullying Orinance, balak rebisahin

NAGA CITY –  Planong rebisahin ang Anti-Bullying Ordinance sa lungsod ng Naga dahil sa mga batang napapabalitang nawawalan ng ganang pumasok dahil sa pambubully ng ilang mga kaklase.

Napag-alaman kay City Administrator Elmer Baldemoro, Executive Officer ng Naga City Council for the Welfare and Protection of the Children, na may ilang mga indibidwal ang nagpapaabot sa kanilang opisina ng kaso ng pambubully sa mga bata. Mababa man ang bilang ng mga nagpapaabot ng impormasyon, hindi pa rin nila inaalis ang pagkabahala.  Bagaman nasa bakasyon ang mga bata ngayon, pinagpaplanuhan nilang rebisahin ang nasabing ordinansa upang mas maging epektibo ang pagpatupad nito sa lungsod.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental
Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal

Tugon naman ng opisyal, hindi anya sila titigil sa paggawa ng iba’t-ibang hakbang at programa upang mapabuti ang kalagayan ng mga bata. Maliban sa anti-bullying, nakatutuok rin ang nasabing opisina sa pagbibigay ng educational assistance mula pre-school hanggang high school.