Bangus fish cage project ibinigay sa anim na grupo ng mangingisda

Kabilang sa benepisyaryo ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Region III ang anim na grupo ng mga mangingisda sa Baler, Aurora.

Ito ay ang bangus fish cage project sa tulong na rin ng National Bangus Development Program.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Kasama sa proyekto ay ang High-Density Polyethylene 10-diameter circular cage, 10,000 piraso ng bangus fingerlings at pagkain nito.

Tinatayang nasa tatlong metric tons bawat cage ang pwedeng maani sa loob ng apat hanggang limang buwang pag-culture sa mga bangus.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Ang mga benepisyaryo ay kinabibilangan ng Ermita Hills Fisherfolk Community Association, Munting Gasang Fisherfolk Association, Bantay Santuaryo Baler, Samahan ng Maliliit na Mangingisda at Maglalambat ng Brgy. Sabang, Castillians Fisherfolk Association and Zabali Fisherfolk Association.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

PHOTO: BFAR