Mga bata nasa panganib ng Delta variant; ‘working age group’ mataas ang tiyansa na magkaroon ng Covid-19

SORSOGON CITY – ‘’Kahit mga bata ay maaaring tamaan ng Delta variant.’’

Ayon kay City Health Office (CHO) head Dr. Rolando Dealca, kaiba sa COVID-19 na mga 18 taong gulang pataas ang dating tinatamaan ng Covid, iba aniya ang karakter ng Delta variant dahil mabagsik ito at mas mabilis kumalat at pati mga bata ay hindi pinapalampas sa kontaminasyon.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Ito aniya ang dahilan kung bakit nagkakaroon na ng mga batang nagpopositibo sa nasabing sakit.

Batay sa ulat, may mga batang tinamaan na ng Delta variant sa Metro Manila na naging dahilan para pag-usapan na ng pamahalaan ang pagbabakuna sa mga bata.

Ayon sa DOH, inirekomenda na nila ang pediatric vaccination mula edad 12 hanggang 17 anyos.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Samantala sinabi din ni Dr. Dealca na lumabas sa kanilang datos na mga edad 30 hanggang 40-anyos pa rin ang karaniwang dinadapuan ng nasabing sakit.

Kabilang kasi ang mga ito sa ‘working age group’ o mga nagtatrabaho kung kaya’t mataas ang tiyansa na mahawaan ng virus dahil araw-araw ay lumalabas ng bahay at nakikisalamuha sa maraming tao.