Inanunsyo ng isang merchant vessel ang pagsalakay sa kanila ng tatlong maliit na sasakyang pang-dagat sa Red Sea.

Ayon sa United Kingdom Maritime Trade Operations (UKMTO), isang unmanned small craft ang bumangga sa barko ng dalawang beses at dalawang manned small craft ang nagpaputok dito.
Ngunit sa kabila nito nanatili naman ligtas ang mga barko at tripulante na nagpapatuloy sa mga susunod na port of call.
Mababatid na naglunsad ng drone at missile strike ang grupong Houthi sa mga shipping lanes sa Red Sea at Gulf of Aden.
Sinabi ng grupo na ang mga pagkilos na ito ay bilang pakikiisa sa mga Palestinian na apektado ng digmaan ng Israel sa Gaza.
Dagdag pa ng UKMTO, ang mga hakbang na ito ay para sa pagpoprotekta sa sarili.
Sa dose-dosenang mga pag-atake mula noong Nobyembre, ang Houthis ay nagpalubog ng dalawang sasakyang-dagat, inagaw ang isa pa at pumatay ng hindi bababa sa tatlong mandaragat. (BRIGADA NEWS INTERN ANGELINE MESINA)