LEGAZPI CITY – Inatasan ng Local na Pamahalaan ng Camalig ang lahat ng Barangay ay kinakailangan magsagawa ng clean-up activities bilang paggunita sa National Environment Month at magpadala ng report sa MENRO/MDRRMO sa pamamagitan ng Brgy.Sec.
Ayon sa LGU, mahalaga na maisagawa pa rin ng bawat barangay ang clean up drive upang mapanatili ng mga ito ang kalinisan at maiwasan na magkaroon ng sakit na dengue ngayon panahon na tag-ulan.
Ang Dengue ay isang sakit na galing sa mikrobio na naihahawa sa tao sa pamamagitan ng kagat ng Aedes na lamok na maaari mong ikamatay sa oras na hindi ito maagapan sa ospital.
Samanatala, pinaalalahanan rin ng LGU na mayroong bisa pa rin ang curfew hour sa bayan mula sa 10:00PM hanggang 3:00AM ayon sa EO 15, s. 2022.
Ang mga indibidwal o grupo na nagpaplanong magsagawa ng “pabayle”, basketball games at iba pang contact sports/activities ay dapat humiling ng pag-apruba mula sa Mayor’s Office Ipinagbabawal pa rin ang “Perya” at iba pang aktibidad ng pagdiriwang ng pista ng barangay maliban sa pagsasagawa ng misa ng fiesta.