CAMARINES NORTE- Umaabot na sa 226 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bayan ng Vinzons Camarines Norte as of October 03, 2021
Ntiong nakaraang linggo ay nadagdagan ng 9 na bagong kaso ng sakit kung kaya’t kasalukuyang may 53 na aktibong kaso ang naturang bayan
Umakyat naman sa 156 ang total recoveries matapos na makapagtala ng 6 na pasyenteng gumaling sa sakit habang nananatili naman sa 17 ang nawalan ng buhay
Base sa ipinalabas na report ng LGU Vinzons, nadagdagan ang mga barangay na nakapagtatala ng kaso ng COVID-19
sa 19 na Barangay, ang may mga aktibong kaso ngayon ay ang mga barangay ng Calangkawan Norte na may 11 at Sur na may 8, sa Guinacutan ay 3 ang aktibong kaso, 1 sa Mangcayo, may 4 naman ang Napilihan,
Sa Poblacion I ay may 5, habang 8 sa Poblacion II, umakyat naman sa 10 ang kaso ng sakit sa Poblacion III at ang Sto Domingo ay nananatiling may 2 aktibong kaso habang nakapagtala na ng 1 kaso ang Brgy Singi
Samantala, sa kanilang ulat kaugnay COVID-19 Case Facility , 10 ang kasalukuyang nakaadmit, 4 ang nasa Municipal Isolation Unit (MIU) , 2 ang nasa Barangay Isolation Unit (BIU) at 37 naman ang nag-home isolation
Patuloy namang umaapela ng pakikiisa at kooperasyon sa publiko ang naturang LGU na sumunod sa health protocols lalo na at patuloy ang pagtaas ng kaso ng sakit sa kanilang bayan
(Photo courtesy of: LGU Vinzons)



