CAMARINES NORTE- Umaabot na sa 191 ang bilang ng mga naitatalang kaso ng COVID- 19 sa bayan ng Talisay batay sa datos na ipinalabas ng Municipal Health Office as of October 02, 2021.
Bunsod nito sumampa na sa 53 ang aktibong kaso ng COVID- 19 sa naturang bayan kung saan nadagdagan ang mga barangay na nakapagtala ng bagong kaso
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming aktibong kaso ang Brgy Poblacion na may 27, umakyat naman sa 11 ang kaso sa Itomang,
May tatlong aktibong kaso naman ang Brgy San Francisco at tigda- dalawang kaso ang San Jose, San Nicolas at Sta. Cruz
Habang may tig-i-isang kaso ang mga Barangay ng Binanuaan, Calintaanm Cahabaan, Caawigan, Gabon, San Isidro at Sto Nino
Sa ngayon 3 barangay na lamang ang Zero case sa COVID-19, ito ay ang mga barangay ng Caawigan, Del Carmen at Sta. Elena
Sa kabila nito umakyat naman sa 121 ang pasyente na gumaling sa sakit
Habang umaabot na sa 17 ang nawalan ng buhay dahil sa COVID-19
Ang naturang LGU ay patuloy na nagpapaalala sa publiko na pagibayuhin ang dobleng pag-i-ingat upang hindi na tumaas pa ang kaso ng COVID-19 habang siniguro nito na ang lahat ng mga naging close contacts na nagpositibo sa sakit ay kasalukuyan na ngayong sumasailalim sa mahipit na quarantine
