Mga bakwit mula sa bayan ng Guinobatan, Albay nakatanggap na ng paunang sahod mula sa DOLE Bicol sa ilalim ng TUPAD

LEGAZPI CITY – Umabot sa 748 na mga bakwit ng Guinobatan, Albay ang naging benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers program (TUPAD) ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Ayon sa DOLE Bicol, natanggap na ng mga benepisyaryo ang kanilang paunang sweldo mula sa programa.

Nasa PHP3,650 halagang sahod ang kanilang nakuha mula sa kabuuan na PHP10,950 para sa 10 araw na pagtatatrabaho sa loob ng evacuation center.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Ang mga bakwit ay nagsagawa ng iba’t ibang trabaho tulad ng paglilinis, pagtatanim, paghahalaman, at pagtulong sa paghahanda ng pagkain sa nasabing pasilidad.