LEGAZPI CITY – Naglabas na ng direktiba ang Department of Education (DEPED) Bicol sa mga superintendents sa iba’t ibang lugar sa rehiyon upang masimulan na ang pagbuo ng isang contingency plan.
Ito ang inihayag ni Regional Director Gilbert Sadsad sa isinagawang press briefing kamakailan.
Ayon kay Sadsad, mayroon na silang inihandang contingency plan sa mga mag-aaral at guro na apektado ng pag-aalburoto ng nasabing bulkan.
Kabilang sa mga gagawin nila, sakali mang abutin pa hanggang sa pagbubukas ng klase ngayong school year 2023-2024 ay ang pagpapatupad ng modular distance learning at shifting schedule.
Binigyang-diin ng kagawaran na tuloy pa rin ang pagbubukas ng klase sa darating na Agosto 28.
Sa ngayon, sa datos ng ahensya, pumalo na sa 19,877 ang kabuuang bilang ng mga apektadong mag-aaral.