Mga bakunadong Senior citizen sa Garchitorena Camarines sur, papayagan nang makalabas ng bahay

NAGA CITY—Papayagan na ng Lokal na Pamahalaan ng Garchitorena, Camarines Sur na lumabas ng bahay ang mga bakunadong Senior Citizen.

Ito ang inihayag sa Brigada News FM Naga ni Mayor Nelson Bueza.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Ayon kay Bueza, bagamat hindi pinapayagan na lumabas ng kanilang mga tahanan ang mga matatanda dahil sa banta ng COVID-19, ay kanilang bibigyang exemption o pahintulot basta mayroong maipakita vaccination card mula sa RHU.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Dapat aniya ay nakakumpleto na ng full dose vaccine ang mga Senior Citizen bago lumabas ng bahay.

Papayagan narin sila na makapamalengke at mag ehersisyo outdoor basta dalhin lamang ang patunay na sila ay mga fully vaccinated na.