Mga LGUs hinihikayat na bumili ng Ultra Low Temperature Freezer na paglalagyan ng Pfizer Vaccine-DILG Bicol

LEGAZPI CITY – Hinihikayat ang mga Local Government Unit (LGU’s) na bumili ng Ultra Low Temperature Freezer na paglalagyan ng Pfizer Vaccine oras na dumating na sa Bicol Region.

Ayon kay Atty Arnaldo Escober Jr, ang Assistant Regional Director ng Departmernt of Interior ang Local Government (DILG) Bicol, hinimok nito ang mga Local Chief Executives na maghanap na ng Ultra Low Temperature freezer para sa nasabing bakuna.

Read More:  Aklan SB member’s home attacked in midnight shooting

Aniya, marami kasi umano ang nagnanais na mabakunahan na residente ng Pfizer vaccine dahil sa mas kinikilala ito ng ibang bansa tulad ng America kaysa sa ibang brand ng bakuna.

Read More:  Slain rebels in southern Negros responsible for 26 civilian killings since 2025, Army says

Upang makarating sa rehiyon ang nasabing bakuna ay kinakailangan nitong bumili ng Ultra Low Temperature Freezer na umaabot sa mahigit P600K hanggang P1M ang presyo nito.

Sinabi pa nito, may mga bali-balita na rin umano na ilang sa mga LGU’s sa rehiyon ay bumili ng freezer na paglalagyan sa nasabing bakuna kontra Covid-19.