Mga bakunadong indibidwal sa Catanduanes, umabot na sa mahigit 357K

BNFM BICOL—Umabot na sa 357,900 na mga indibidwal sa islang lalawigan ng Catanduanes ang bakunado na kontra COVID-19 batay sa pinaka latest update ng vaccine statistic report na inilabas ng Provincial Health Office as of February 8, 2022.

Sa naturang bilang, 195,613 sa mga ito ang nakatanggap na ng kanilang first dose ng bakuna na katumbas ng 86% ng current target population.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Nasa 162,287 individuals naman na katumbas ng 71% ng current target population ang fully vaccinated na kabilang ang mga tumanggap ng one shot Janssen vaccine.

Samantala, pumalo na rin sa 23,535 na mga indibidwal sa Catanduanes ang naturukan na ng booster shots na kinabibilangan ng mga nasa A1, A2 at A3 categories.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Bunsod nito, nasa 59% ang vaccination coverage ng islang probinsya kaya’t patuloy pa rin ang paghikayat ng PHO sa publiko na makiisa sa nagpapatuloy na bakunahan para maabot na ang herd immunity.###