5 sugatan sa pagsabog Libmanan Camarines Sur

NAGA CITY- Sugatan ang lima katao sa pagsabog sa Bagamelon, Libmanan Camarines Sur.

Ayon sa PNP Libmanan , bandang alas-7 ng umaga nitong Huwebes nag-iigib ng tubig malapit sa may detachment site ng Citizen Armed Force Geographical Unit ang dalawang CAFGU nang mangyari ang insidente, nadamay sa pagsabog ang tatlo pang iba na napadaan lamang sakay ng haba-habal. Silang lahat ay nadala sa pagamutan.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Sa opisyal na pahayag ng PNP Regional Office 5, kinilala ang mag nasugatan na sina “Jeffrey” 17-anyos; Melvin Abocado, 57 anyos, tubong Brgy. Mambulo Nuevo, Libmanan; John Lee Baguio Basangit, 26 anyos, miyembro ng CAFGU Active Auxiliary, nakatira sa Brgy. Paolbo, Calabanga; Ria Estodio Ables, 19 anyos, residente ng Brgy. Gugon, Camaligan; at ayon sa PNP Libmanan CAA member pang Joseph Catapangan De Lima, 28 anyos ng Brgy. Sagrada, Minalabac.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Masusing imbestigasyon ang ang ikinakasa ng mga tauhan ng Libmanan Municipal Police Station kaugnay ng kautusan ni Regional Director PBGEN Jonnel  Estomo, patungkol sa pagsabog ng improvised explosive device.

Inaalam pa ng mga otoridad kung sino ang nasa likod ng pangyayari. Patuloy din ang pakikipag-ugnayan ng mga ito sa mga residente sa barangay para sa pagkalap ng impormasyon na maaring magturo sa pagkakakilalan ng mga naging utak ng insidente.