CAMARINES NORTE- Inihayag ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na dapat tuloy- tuloy lang ang implementasyon ng drug clearing program sa mga barangay.
Ito ay upang mapanatili ang ang pagiging “drug cleared” status at tuloy- tuloy ang implementasyon ng mga programa kontra iligal na droga.
Kahapon ay isinagawa sa bayan ng Basud, Camarines Norte ang Roll- out on Omnibus Procedure on Barangay Drug Clearing Program na dinaluhan ng ilang mga Punong Barangay at kinatawan ng Sangguniang Kabataan
Dito ay ipinaliwanag ni Agent Mae Amor Alcantara ng PDEA Camarines Norte ang kahalagahan na mapanatili ang drug cleared status ng barangay.
Aniya kapag naideklara nang drug cleared ang lahat ng barangay at mayroon na itong resolution na na- retain nito ang ganitong status at ma- comply ng munisipyo ang iba pang parameters ay pwede nang mag apply ang naturang bayan na drug cleared municipality.
Matatandaan na bago matapos ang taong 2021 ay ideneklara ng drug cleared ang 29 na barangay ng Basud.
Pero mayroon pang 12 barangay ang wala pang iniisyung resolusyon na nagsasabing na- retained nito ang ganitong status.
Ito ay ang mga Barangay ng San Felipe, Bactas, Caayunan, Laniton, Matnog, Mocong, Plaridel, Poblacion 1, Taba- Taba, Taisan, Tacad at Poblacion 2.
Ani Alcantara ito ang dapat pang pagtrabahunan ng nabanggit na mga barangay.
Ayon naman sa hepe ng Basud MPS na si PMaj Melvin Atacador hindi dapat huminto ang mga barangay sa kampanya kontra iligal na droga kahit na idineklara na itong drug cleared.
Sa kabila rin umano ng mga batikos na inabot ng gobyerno sa kampanya nito kontra iligal na droga ay nakakatulog na ngayon ng mahimbing sa gabi ang mga tao dahil wala nang adik na pagala- gala sa kalsada.
