Mga bagong opisyal ng Barangay sa Basud hinimok ng Alkalde na pagsumikapang makuha ang Seal of Good Local Governance for Barangay

CAMARINES NORTE – Hinimok ni Mayor Adrian Davoco ang mga bagong kauupo sa pwesto na mga opisyal ng Barangay na pagsumikapang makuha ang Seal of Good Local Governance for Barangay (SGLGB) na iginagawad naman ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Sa kaniyang talumpati sa harap ng mga kakapanumpa pa lang na mga opisyal ng Barangay at Sangguniang Kabataan tiniyak ng Alkalde na handa ang munisipyo na tumulong sa mga Barangay.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Mababatid na mayroon na rin ngayyong SGLGB na dati ay sa munisipyom siyudad at probinsiya lang.

Ibinida rin ng Alkalde ang pagkakasungkit ng LGU Basud ng “unqualified” opinion mula sa Commission on Audit na kaisa- isa umano dito sa Camarines Norte.

Huling nakakuha ng ‘unqualified’ opinion ang Jose Panganiban noon pang 2016.

Read More:  Fetus found dead inside restroom of inn in General Santos City

Nangangahulugan aniya ito na sinusunod ng LGU ang mga proseso lalo na sa usapin ng pamamahala ng pananalapi.

Ibinida rin ng Alkalde na recipient din ng LGU ng iba pang citations tulad ng Gawad Kalasag mula sa Office of Civil Defense at parangal mula naman sa Cooperative Development Authority. (CDA).