CAMARINES NORTE – Mababa ang bilang ng mga bagong nagparehistro sa nationwide registration ng Social Security System sa San Lorenzo Ruiz National High School sa bayan ng San Lorenzo Ruiz.
Ayon sa SSS, 61 ang nag- transact ay at 20 ang nagregister nga bagong miyembro. Mas marami ang nagparehistro sa mall na nasa 130 sa 256 na transaction.
Ang naturang bilang ay magkahalong magulang at mga estuduyante.
Mababatid na noong mga nagdaang araw ay puspusan ang pag- iikot ng SSS sa mga eskwelahan upang i- enroll ang mga graduating students lalo’t karamihan sa kanila ay maghahanap na ng trabaho.
Isa kasi sa hinahanap ng employer ay ang SSS number ng aplikante. Mababatid na regular ang mga ginagawang inisyatibo ng SSS para lumaki pa ang membership base nito at masiguro ang mas malawak na social security coverage para sa mga Pinoy.
