Mga backyard hog-raisers, ipaprayoridad sa bakunahan kontra ASF ngayong araw

“All systems go” na ang Department of Agriculture (DA) para sa ikakasang bakunahan kontra African Swine Fever (ASF).

Ayon kay DA Spokesperson at Asec. Arnel de Mesa, naihanda na nila ang mga baboy para ngayong araw.

Read More:  Remulla denies rumors of Romualdez leaving Quezon City Jail

Negatibo umano ang mga baboy na ito sa sakit, at malulusog din.

Samantala, binigyang-diin ni De Mesa na ipaprayoridad nilang mabakunahan laban sa ASF ang mga small hold at backyard hog raisers sa Batangas.

Read More:  PAGASA warns of danger-level heat index in 16 areas

Una na ring sinabi ng ahensya na tututukan nila ang pagbabakuna sa mga baboy sa mga lugar na classfied bilang ‘red areas.’

Ito naman ang mga lugar na high risk sa agricultural disease o mga areas na kasalukuyang nagkakaroon ng outbreak.