BIFF members sumuko sa Militar

Sumuko sa headquarters ng 57th Infantry Battalion na nakabase sa bayan ng Upi, Maguindanao del Norte ang labing dalawang dating myembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF.


Ipinrisenta ng mga ito ang kanilang mga sarili bitbit ang kani-kanilang mga armas na kinabibilangan ng isang 60mm mortar, isang M16, isang M4 carbine Bushmaster, isang 7.62mm M14, dalawang RPG homemade, dalawang M79 Grenade Launcher isa dito ay pistol type-single shot, isang cal.30 rifle single shot, mga magazine at iba pang war materials.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026


Kasabay ng pagsuko ng mga ito ang pagtanggap nila ng cash assistance mula sa mga lokal na Pamahalaan ng Upi at South Upi at nakatakdang ii-enroll ang mga ito sa Agila HAVEN Program ng Maguindanao del Sur Provincial Government.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Patuloy naman ang ginagawang paghihikayat ng Militar sa mga nalalabi pang myembro ng nasabing grupo na magbalik loob na sa Pamahalaan alang-alang sa kinabukasan ng kanilang mga pamilya.