Mga aso, nakatakdang isailalim sa euthanasia kung walang mag a-adopt o hindi kunin ng may-ari – Naga City Veterinary Office

NAGA CITY – Nakatakdang isailalim sa proseso ng Euthanasia ang mahigit 30 mga asong nasa nursery ng Naga City Veterinary Office kung hindi na ito kukunin pa ng mga may-ari o kung wala ng mag aampon sa mga ito sa loob ng tatlo hanggang limang araw.

Ang bilang ng ito ng mga aso ay papatayin sa  prosesong ito na “painless killing” na siyang regular ng sistema ng CVO kung walang umaako sa mga nahuhuli nilang mga lagalag na aso sa loob ng ibinigay na palugit para ampunin sana o bawiin ang mga ito.

Sa pakikipag-usap ng Brigada News FM Naga kay Josielyn Niangar, admin aide 1 ng City Veterinary Office, sinabi niyang ang mayoriya sa mga asong ito ay galing sa mga barangay ng Calauag, Bagumbayan Sur, Bagumbayan Norte at San Felipe na magkakatabing lugar na pare-parehong nasa main road ng lungsod.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *