Brownout sa gitna ng mainit na panahon asahan pa kung may Manual Dropping load dropping-NGCP

NAGA CITY- Asahan pa ang brownout o power interruptions sa gitna ng mainit na panahon kung may manual o automatic load dropping ang National Grid Corporation of the Philippines o NGCP.

Ito ang sinabi sa Brigada News FM Naga ni Nilda Somera, Government Relations and Regional Affairs Officer ng NGCP Southern Luzon kasunod ng Red Alert Status sa Luzon Grid na ipinalabas kahapon. Nagkaroon ng insufficient o hindi sapat ang power supply sa demand, 19 power plants ang nag forced outage dahil sa maintenance.

Kung kahapon hindi kasama ang mga Camarines Sur sa rotation ng dropping, makakasama na ito sa susunod dahil scheduling. Batid ng NGCP ang demand sa kuryente pero ang Department of Energy (DOE) aniya ang makakapagpaliwanag kung ito ay kakulangan sa kuryente o may ibang problema kaya naapektuhan ang supply sa grid.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *