Mga armas at pampasabog, narekober sa kuta ng NPA sa Kalinga

Iba’t-ibang kagamitang pandigma at pampasabog ang narekober ng mga otoridad matapos matunton ang inabandonang kampo ng mga rebeldeng NPA sa Bagumbayan, Tabuk City, Kalinga.

Ayon sa kapulisan, nadiskubre ang naturang kuta ng mga NPA mula sa ibinigay na impormasyon ng mga residente sa nabanggit na barangay.

Isinagawa ang naturang operasyon ng pinagsanib pwersa ng mga kasapi ng Kalinga PMFC, Provincial Intelligence Unit KPPO at Special Action Force

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Nakuha sa lugar ang anim na piraso ng grenade riffles; limang piraso ng 40mm cartridge; 19 na piraso ng electrical blasting caps; electrical wire; dynamite gel at dalawang detonator battery.

Narekober din sa kuta ang ilang subersibong mga dokumento at personal na kagamitan ng mga rebelde.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Nagsagawa ng inspeksyon sa lugar ang Provincial EOD and Canine Unit (PECU) para sa posibleng pagkakarekober ng iba pang pampasabog.

Ayon sa PNP CAR, ang naturang kampo ay winasak habang dinala naman sa KPPO ang mga nakuhang armas at kagamitan para sa tamang disposisyon.