‘Tent cities’, planong i-organisa bilang alternatibong tirahan ng mga Mayon evacuees sa Daraga, Albay

LEGAZPI CITY – Planong mag-organisa ng “Tent Cities” ang lokal na pamahalaan ng Daraga bilang alternatibong tirahan ng mga inilikas na residente dahil sa pag-alburoto ng Bulkang Mayon.

Read More:  Army recovers firearm, IED after clash in Northern Samar

Ayon sa LGU, layunin nitong tiyakin na may maayos na matutuluyan ang mga kailangang ilipat na mga bakwit na naninirahan sa mga paaralan.

Ito ay bilang paghahanda sa pagbabalik eskwela ng mga studyante sa susunod na buwan para sa school year 2023-2024.

Read More:  Baby boy found abandoned outside home in Cordova, Cebu

Sa ngayon, tatlong paaralan sa bayan ang ginagamit bilang evacuation centers na ang Budiao, Anislag and Gabawan Elementary School.