Mga aplikante para sa 4PH Program sa Naga City umabot na ng halos 4,000

NAGA CITY –Nasa 3,695 na ang natanggap na aplikante ng Housing and Settlements Development Office sa Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program sa Naga City at ang bilang na ito ay tiyak na madagdagan pa dahil sa may iba pang mga nag a-apply.

Tanging 165 pa lamang ang unang nabigyan ng certificate unit allocation.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Ayon naman sa pahayag ni Eric Salvino, shelter officer sa Brigada News FM Naga, sinabi niyang iyong ibang aplikante ay pino-proseso na ng Pag-IBIG o ang Home Development Mutual Fund.

Paliwanag ni Salvino, nagkakaroon pa ng verification ang Pag- IBIG sa mga aplikante, isang proseso bago sila mabigyan nitong certificate unit allocation. Aminado ang opisyal na mahigpit ang naturang ahensiya sa pag aproba para matiyak na ang makakapag-avail ng pabahay na ito ay may kakayahang bayaran ang monthly amortization.

Read More:  Habagat batters Davao Region: 909 families affected, four dead, five missing

Tumatanggap pa sila ng aplikante, lahat ng mga naninirahan sa Naga City ay puwedeng mag-apply, ayon pa kay Salvino.