NAGA CITY- Umabot sa 624 ang nagpakonsulta sa Animal Bite Center ng Naga City General Hospital sa unang dalawang linggo ng Enero 2024.
Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Acting City Veterinarian , Dr. Marilee Lingua sinabi nitong hindi nila batid kung lahat ay mga residente ng Naga City, gayunpaman mataas aniya ang bilang na ito.
Kaya naman pinaiigting na nila ang mga hakbang upang maiwasan ang kagat ng hayop. Nagkakaroon ng dialogue sa mga barangay ukol sa responsible pet ownership, pinag-uusapan na rin ang dog catching.
Naka schedule na rito sa Enero 29, 2024 ang Barangay Sta. Cruz. Tinalakay na rin ang nararapat na aksyon sa mga galang hayop sa Barangay Pacol. Nakatakda ang House-to-house Anti Rabies Vaccination sa Pebrero 5 hanggang 9 sa Concepcion Grande. Mayroon pang libreng kapon sa opisina bawat lunes upang makontrol ang mga hayop.