Inihayag ng Department of Health (DOH) na malapit nang maabot ng Metro Manila ang 40 porsiyento ng kanilang target na 10 milyong residente ang mababakunahan kontra covid-19 upang makamit ang herd immunity.
Ayon kay Health Sec. Fransisco Duque, sa kanyang pagtataya nasa 38 hanggang 40 percent na ng 10 milyong residente sa National Capital Region ang nabakunahan na kontra covid-19.
Mababatid na kahit pa nakasailalim sa enhanced community quarantine ang Metro Manila hanggang August 20, 2021, nagpapatuloy pa rin ang bakunahan kontra covid-19 ng bawat lokal na pamahalaan.
Kung maaalala ay nasa 4 million doses ng covid-19 vaccine ang inilaan ng pamahalaan para sa mga LGU’s sa NCR na gagamitin ngayong ECQ.
