Kinumpirma ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na pirmado na ang Joint Memorandum Circular No. 3 o ang guidelines para sa implementasyon ng financial assistance na ipapamahagi sa National Capital Region.
Inilahad ng DSWD ang mga larawan nina Department of the Interior and Local Government Secretary Eduardo Ano, Social Welfare Secretary Rolando Joselito Bautista, at Department of National Defense Secretary Delfin Lorenzana kung saan hawak ng mga ito ang pirmadong dokumento.

Tiniyak ng DSWD na mahigpit na imomonitor ang pamamahagi ng P10.89-billion na ayuda para sa mga mahihirap na pamilya sa Metro Manila na apektado sa ipinapatupad na Enhanced Community Quarantine.
Ayon kay DSWD spokesperson Irene Dumlao makikipag uganayan sila sa DILG matutukan ang implementasyon ng naturang financial aid.
Una nang kinumpirma ng Malakanyang na nai-download na sa mga LGUs sa Metro Manila ang pondo at inaasahang maipapamahagi ito sa mga benipisaryo ngayong linggo.