Suhestiyong suspendihin ang mga “leisure activities” sa Virac, Catanduanes bunsod ng pagtaas ng kaso ng COVID-19, hindi pa naaaprubahan ayon sa alkalde

BICOL—Sakabila ng dumaraming kaso ng COVID-19 sa islang lalawigan ng Catanduanes partikular sa bayan ng Virac, inihayag ni Mayor Sinforoso Sarmiento, ang alkalde ng nasabing bayan, na wala siyang balak na i-implementa ang naging suhestiyon ng PNP sakanilang lugar na suspendihin muna sa loob ng 15 araw o dalawang linggo ang mga leisure activities sa naturang bayan gaya ng mga inuman, excursions at iba pa.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Ang naturang suhestiyon ay galing mismo sa hepe ng Virac MPS na si PMaj Antonio Perez na kanyang inihayag sa isang miting kasama ang Municipal IATF.

Ayon kay Sarmiento, hindi pa aniya ito napagbobotohan at naaprubahan ng mga miyembro ng MIATF kaya’t hindi rin ito nagagawan pa ng resolusyon upang ipatupad.

Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal

Ganunpaman, siniguro ng alkalde na ipinasusunod ng lokal na pamahalaan ang mga minimum health standards na naka angkla sa umiiral na quarantine classifications ng kanilang bayan alinsunod sa kautusan ng National IATF.###