Metro Manila, di pa balik sa pre-surge levels; COVID-19 vaccination, dapat paigtingin pa- OCTA

Di pa umano nakakabalik sa pre-surge levels ang Metro Manila sa kabila ng nababawasan nang kaso ng COVID-19. 

Ayon kay OCTA Research fellow Guido David, inirekumenda ng kanilang grupo ang gradual at calibrated na pagluluwag ng restrictions ngayong nakapagtala ang National Capital Region (NCR) ng 1,100 cases mula sa nagdaang linggo. 

Read More:  Acidre urges Senate to prioritize impeachment over flood control hearings

Aniya, di pa nakakabalik ang Metro Manila sa pre-surge levels kaya nariyan pa rin ang banta ng virus at dapat sumunod pa rin sa minimum health protocols. 

Dagdag ni David, bumababa ag virus cases sa NCR Plus  pero unstable pa rin sa ilang bahagi gaya ng Laguna. 

Sa labas naman ng capital region, tumataas ang infections sa Puerto Princesa City, Bacolod City, Davao City, Iloilo City, at Zamboanga City. 

Read More:  Madriaga included in VP Sara impeachment witness list

Bumabagal na ang weekly growth rate ng virus cases sa Iloilo City habang ang Zamboanga City naman ay may ikalawang pinakamaraming virus infections sa buong bansa kasunod ng lungsod ng Quezon.

Sinabi ni David na kailangan ay mabakunahan ng gobyerno ang nasa pitong milyong residente sa NCR para makamit ang herd immunity.