Muling nagpaalala ang Mercedes MPS sa umiiral pa ring election Gun Ban sa pamamagitan ng pakikipanayam at pag anunsyo tungkol sa ipinapatupad na batas
Ito ay bunsod na rin ng nagpapaaabot sa kanilang kaliwa’t kanang impormasyon mula sa mamamayan na nagbibigay ng tip tungkol sa mga taong nagdadala at nagkukubli ng baril na hindi lisensyado at wala rin lisensya sa paggamit nito.
Ayon kay PMAJ ALEXANDER S ALVAREZ, Chief of Police ng nabanggit na himpilan ng pulisya , Ang Mercedes MPS ay patuloy na magsasagawa ng mga operasyon upang matukoy at mahuli ang mga taong ito na maaring gumamit ng armas upang makapanakit at gumawa ng masama laban sa kapwa.
Ayon pa sa opisyal, ang mga ito ay isang banta sa kapayapaan ng isang lugar at maaring makapagdulot ng takot sa mga mamamayan kaya’t kailangan po natin silang matukoy at arestuhin