Sumampa na sa 250 ang kaso ng Hand, foot and Mouth Disease sa lalawigan ng Palawan, ayon sa Provincial Health Office.
Ang sakit na ito ay isang nakakahawang sakit na karaniwang nakikita sa mga bata na ang sintomas ay lagnat , pagkakaroon ng pulang butlig , maliliit na sugat sa lalamunan, pananamlay at pananakit ng lalamunan.
Ayon kay Dr. Faye Erika Labrador, kasama na sa bilang ang mga kaso mula sa Lungsod ng Puerto Princesa.
“That is until morbidity week 15 po.. Last data gathered April 17, 2022.. Still in consolidation for morbidity week po.. commulative po ito.” – Dr. Faye Erika Labrador, Provincial Health Officer
Sinabi pa ni Dr. Labrador na ang mga pasyente ay mild cases lamang.
“Mild and OPD cases..Yes po including Puerto Princesa na po ito and all with mild cases and managed out patients”- idinagdag ni PHO Dr. Salvador