Lalaking may pinakamalaking na dila sa buong mundo, kinilala ng Guinness

Michigan – Pinarangalan ng Guinness Book of World Records ang isang lalaki mula sa Battle Creek, Michigan bilang may pinakamalaking dila sa buong mundo.

Ayon sa Guinness, kinilala itong si Dante Barnes na siya mismong nakadiskubre na hindi pangkaraniwan at kakaiba ang katangian ng kanyang dila mula sa ibang tao.

Nang subukan niya itong sukatin, umabot sa 4.8 inches ang circumference nito na kanya namang ibinahagi sa publiko sa pamamagitan ng pag post sa social media ng video kung saan makikitang sinusukat niya ang kanyang dila.

Umabot sa 69 million views ang naturang video at nakarating ito sa kaalaman ng Guinness kung kaya’t minabuti nilang magsagawa ng assessment ukol dito.

Sa pag inspeksyon ng GBOWR, nakumpirmang nasa 4.8 inches ang circumference ng dila ni Dante na maihahalintulad umano sa laki ng isang ‘ping-pong ball.### JUMEL DELA ROSA, BNFM Bicol