MERALCO, nagsisimula nang ibalik ang suplay ng kuryente

Naging baliktad ang request ng mga tao sa Meralco.

Sa isang pahayag, sinabi ni Meralco Vice President at Spokesperson Joe Zaldarriaga na kapag nagkaroon ng trouble kapag nawalan ng kuryente – ang kadalasang request ng mga tao ay restoration.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Pero kahapon, kasabay ng malakas na buhos ng ulan at mataas na lebel ng tubig-baha – ang request ng mga tao ay patayin na muna ang kuryente.

Ayon kay Zaldarriaga, mula sa 650,000 na apektadong mga kabahayan, bumaba na ito sa 400,000.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Habang nagsa-subside aniya ang baha, nagsisimula na silang mag-restore ng kuryente.

May mga request na rin umano sila na natatanggap kung pwede nang ibalik ang suplay ng kuryente, at tinitingnan na nila ito.