Mental Health ng mga bata isa umano sa dahilan kung bakit dapat magkaroon ng limited face to face classes

CAMARINES NORTE- Inihayag ng Department of Education na isa ang mental health ng mga bata kaya pursigido itong magkaroon na ng limited face to face classes lalo na ngayong nasa low risk na ng COVID- 19 ang lalawigan ng Camarines Norte.

Ayon kay Schools Division Superintendent Nympha Guemo, malaki ang impact nito sa mga bata lalo’t mahigit isang taon nang walang face to face classes dahil sa COVID- 19 pandemic.

Layunin din umano ng pagkakaroon ng limited face to face classes ay upang matugunan ang problema ng mga magulang, estudyante at maging ng mga guro sa kasalukuyang ipinatutupad na distance learning.

Limitado raw kasi ang access sa online learning dahil hindi naman lahat ay mayroong internet connection at gadget.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Mahirap din umano para sa mga estudyante ang pagamit ng printed materials dahil marami sa kanila ay kulang ang kakayahan sa tinatawag na “self- learning”

Problema rin umano ng mga magulang ang pagtuturo sa kanilang mga anak.

“Isa talagang dahilan kung bakit dapat nang magkaroon ng limited face to face ay yung impact nito sa mental health ng mga estudyante, dahil matagal na po more than a year, nagsimula ito patapos ang School Year 2019- 2020, ang buong 2020- 2021 ay talagang distance learning at nagsimula na naman ang 2021- 2022, tapos na tayo ng quarter 1 ay nandiyan pa po tayo sa distance learning,” ani Guemo sa Talakayan sa PIA.

Umaasa si Guemo na marami nang eskwelahan sa lalawigan ang makakasama sa expanded limited face to face classes makaraang wala kahit isang makasama sa ginagawa ngayong pilot implementation na magtatapos sa Enero.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Isa pa umano sa layunin ng face to face classes ay ang quality delivery ng teaching learning process.

Para makasama sa expanded implementation ng limited face to face classes ay kinakailangang makapasa ang eskwelahan sa school safety assessment tool at kailangan din ang suporta ng Local Government Unit mula sa Barangay hanggang sa probinsiya.

“May mga requirements po ang limited face to face, unang- una kailangan maipasa lahat ng requirements doon po sa school safety assessment tool, tapos kaalangan merong support from the LGU, meron pong resolution na ipapasa ang LGU, Barangay the Municipal and Province allowing the school to participate in the limited face to face.”