OCPO Station 3 nagpaalala sa publiko laban sa mga snatcher

Nagpaalala ang Olongapo City Police Station 3 sa publiko laban sa mga snatcher lalo na ngayong malapit na ang holiday season.

Ito ay matapos na may maarestong suspek sa pang-i-snatch kahapon ang Station 3.

Ayon kay Station Commander Pmaj. Edmer Gloria, modus umano ng lalaking suspek na susundan ang biktima at unit-unting binabangga habang siksikan ang mga taong naglalakad.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Nangyari aniya ito kahapon sa may Magsaysay Drive kung saan sinundan ng lalaking suspek ang babaeng biktima para makuha ang cellphone nito.

Naramdaman umano ng biktima na wala na ang kanyang cellphone dahil nakakonekta ito sa headset kaya nang nawala ang tugtog na pinakikinggan ay agad niya itong napansin atsaka nakita ang suspek.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Agad naman nakapagreport sa mga pulis na nasa lugar ang biktima kaya nahabol ang suspek kung saan tumulong rin umano ang ibang sibilyan na nasa lugar at umabot sa Lindayag St.

Dahil dito paalala ng mga otoridad na maging alerto lalo na sa mga tulad nitong modus.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

May be an image of one or more people and text that says 'TYPES OF HEADACHE TMJ Headache Sinus Headache Migraine Cluster Headache Tension Headache Power Cells 6in Salabat Herbal Mix Ginger Brew Hypertension Headache Û.a www.powercells.ph'