Menor de edad, huli matapos makumpiskahan ng hinihinalang marijuana sa Lucena City

Huli ang isang menor de edad matapos itong makumpiskahan ng hinihinalang marijuana sa Barangay Gulang-Gulang, Lucena City nitong Lunes, Hulyo 1.

Batay sa report, nagsasagawa ang awtoridad ng follow-up operation patungkol sa serye ng nakawan sa nasabing barangay nang makita nila ang menor de edad na gumagala.

Read More:  2-year-old boy dies in Cebu City; Stepfather arrested over alleged physical abuse

Nang lapitan ito ng mga awtoridad, doon na itinapon ng suspek ang isang plastic na naglalaman ng hinihinalang marijuana na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit ₱4,000 na nagresulta sa kanyang pagkaka-aresto.

Read More:  Unidentified woman found dead inside refrigerator in Rizal

Sa ngayon, itu-turnover na sa Department of Social Welfare and Development ang naturang suspek.