Mediaman at tumatakbong Konsehal, unang gun ban violator sa lungsod ng Sorsogon

SORSOGON CITY – Inihayag ng hepe ng Sorsogon City Police Station na si PLtCol Virgillo Bibat na ang pagka-aresto sa isang mediaman at aspirante sa pagka-Konsehal sa lungsod ang siyang pinaka-unang gun ban violator na kanilang naitala simula nang inilunsad ang gun ban at Comelec checkpoint noong Enero 9.

Inaresto ng pulisya si Angeles Laroga Apin, alyas ‘Maestro Obet,’ 49-anyos, may asawa at naninirahan sa Cattleya 2 Homes Subd., Brgy Bibincahan ng nasabing lungsod matapos na makuhanan ng hindi lisensyadong baril.

Read More:  20 Chinese nationals held in Davao anti-illegal mining ops

Pinara umano sa Comelec checkpoint si Apin bandang alas 2:00 ng madaling araw, Pebrero 4 sa Brgy Bulabog. Nang sumailalim sa pagbusisi, nag-slide umano ang baril sa ilalim ng pantalon nito at napansin ng isang police at nagtaka kung bakit ‘’dalawa ang tuhod’’ nito, subalit nang kinapkapan ito ng pulis ay dito na nadiskubre ang baril.

Nasamsam ang isang S&W 9mm na kargado ng 11 bala, 10 pang bala sa loob ng sling bag nito at isang bala sa loob ng eyeglass case.

Read More:  Six CTG members surrender in Eastern Visayas

Nabigo naman na magpakita ng lisensya sa baril at certificate of authority to carry firearm si Apin sanhi upang siya ay arestuhin at kumpiskahin ang kanyang dalang baril.

Mahaharap si Apin sa kasong paglabag sa Comelec gun ban at Comprehensive Law on Firearms and Ammunition Regulation Act.