3 NPA supporters, sumuko sa kasundaluhan dala ang mga armas sa Cagayan

Tatlo pang mga tagasuporta ng CPP-NPA ang nagbalik sa pamahalaan sa lalawigan ng Cagayan kahapon, February 3, 2022.

Ayon kay Capt. Rigor Pamittan, Chief DPAO ng 5th Infantry Division Philippine Army, ang mga sumuko sina alyas Riting; alyas Lando, 44-anyos na kapuwa residente ng Isca, Gonzaga, Cagayan at Alyas Paquito, 45-anyos na residente ng Brgy. Mission, Sta. Teresita, Cagayan.

Read More:  Authorities seize ₱105.9M in alleged smuggled cigarettes in Zamboanga del Sur

Aniya, boluntaryong sumuko ang mga ito sa kasapi ng 98th Infantry Battalion at Marine Battalion Team 10.

Dala ng tatlo sa kanilang pagsuko ang mga war materials kabilang na ang isang piraso ng kalibre 38 pistol, 78 round ammunitions ng garand riffle, kagamitan sa pampasabog gaya ng blasting caps, radio at mga medical paraphernalia.

Read More:  2 NPA members killed, 3 high-powered rifles seized after series of military clashes in Bukidnon

Sa kasalukuyan aniya ay nasa kustodiya ng 98IB ang mga sumuko para sa custodial debriefing at karagdagang imbestigasyon upang matukoy ang kanilang kaugnayan sa mga rebeldeng NPA.

Photo/5ID