Pinaghahandaan na ng Subic Municipal Disaster Risk Reduction Management Office o MDRRMO Subic ang pagdagsa ng turista sa lugar.
Ito ay sa pamamagitan ng isinagawang Preparedness meeting for Semana Santa 2023 nitong nakalipas na araw kasama ang iba pang mga volunteers, barangay officials at iba pang kawani ng gobyerno.
Layon ng MDRRMO na masigurong mapapabilis ang pagrerespondi ng mga tauhan sakaling may mga kinakailangang respondihan.
Ang Zambales ang isa sa mga probinsya na madalas dinarayo ng mga turista tuwing holidays.//Michelle Lopez-BNFM OLONGAPO
