Pandaraya sa pila ng mga cargo vehicle sa Matnog port, wala ng lugar— Blue Lane OIC

SORSOGON CITY—Tiniyak ni Blue Lane Officer Ambet Imperial na walang pagkakataon ang mga biyahero lalo na ang mga cargo vehicle na makapandaya upang makalusot sa pila at agad na makasakay sa barko sa Matnog port.

Sa panayam ng Brigada News FM Sorsogon kay Imperial, inihayag nito na mahigpit ang kanilang ipinatutupad na monitoring hindi lamang sa mga fixer kundi maging sa mga kargamento ng mga delivery trucks.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Ito’y upang mapigilan ang mga nagbabalak na mandaya sa pamamagitan ng pagdeklara ng kanilang mga kargamento bilang perishable goods kahit hindi naman para maprayoridad sa pila at sa pagsakay.

Anya, bukod sa hinahanapan nila ito ng manifesto ng mga produktong dala sa pamamagitan ng nakatalagang Provincial Marshall ay kanila ring iniinspeksyon kung tama ang nakasaad sa nasabing dokumento.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Kritikal ang pagsusuri sa mga truck o cargo na may mga kargamentong hindi puwedeng buksan.

Sa ngayon kasi base sa sistema sa pagpapasakay ng mga kargamento, prayoridad ang mga perishable goods kung kaya aminado si Imperial na hindi maaalis ang posibilidad na mayroong mga magtangkang lumusot.