Suspek sa pananaga-patay sa 15-anyos na dalagita sa Iriga City, naaresto na; ugat ng krimen pamamato ng dalandan

NAGA CITY- Naaresto na ang 18-anyos na suspek sa pananaga-patay sa 15-anyos na dalagita sa San Pedro Iriga City.

Sa press conference sinabi ni PLtCol. Carl Joseph Jaucian na ang suspek ay si Mark Francis Fabellare Y Buela , siya ay pinsan ng biktimang Grade 9 Student.

Ang dahilan? Dalandan. Binato ng biktima ang suspek na si Fabellare ng dalandan. Ayon sa suspek tatagain umano siya ng biktima , naagaw nito mula sa dalagita ang itak at tinaga. Mababatid na ang itak na ginamit sa pagpaslang ay ang itak mismo ng dalagita na dala nito sa taniman.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Sinabi pa ni Jaucian na habang nag iimbestiga nasa area rin ang suspek o nakakausap pa ng mga pulis at nagbibigay din ng impormasyon kasama ang iba pang mga nasa pinangyarihan.  Dahil sa mga statements, inimbestigahan din ito hanggang sa nakonsensya umamin at inaresto ng PNP.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Binigyang diin ng hepeng si Jaucian na case solved umamin ang suspek matapos itong imbestigahan.

Kung babalikan  Biyernes ng umaga,  Hunyo 24 nang magpaalam na kukuha ng gulay ang 15-anyos na biktima. Hapon na hindi pa bumabalik kaya naalarma ang pamilya at naghanap, Hunyo 25 na ito natagpuan sa maisan na may mga tama ng taga sa iba’t-ibang bahagi ng katawan at wala nang buhay.