MDRRM-H Ordinance sa Basud, Camarines Norte aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Sangguniang Bayan

CAMARINES NORTE – Aprubado na ng Sangguniang Bayan ng Basud, Camarines Norte sa ikatlo at huling pagbasa ang ordinansang magi- institutionalize ng functional na  Municipal Disaster Risk Reduction and Management in Health (MDRRM-H).

Layon ng ordinansa na ma- institutionalize ang MDRRM-H system sa naturang bayan para maayos na mapamahalaan at ma- mitigate ang adverse effects o impacts at health consequences, emergencies, mga sakuna kasama na ang climate change.

Read More:  Fetus found dead inside restroom of inn in General Santos City

Nilalayon din ng ordinansa na  itaguyod ang partisipasyon ng lahat ng sector at stakeholders sa lahat ng level lalo na sa mga barangay at maglaan ng resources para sa operation ng functional MDRRM- H system.

Sa ilalim ng ordinansa ay nakapaloob ang functions na gagampanan ng iba’t- ibang opisina sa LGU.

Ang Municipal Health Office ang mangunguna sa pag- oversee ng regular monitoring at evaluation sa implementasyon ng functional MDRRM-H systems.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Alinsunod sa Administrative Order No 2020- 0036,  dapat magkaroon ng workable system na maaaring mag- initiate at mag- perform ng effective at efficient preparedness response sa public health emergencies and disasters  para masiguro ang tuloy- tuloy na delivery ng population- based health services.