CAMARINES NORTE – Bumaba ang bilang ng mga tinatamaan ng paputok tuwing sumasapit ang Christmas season sa nakalipas na apat na taon.
Batay ito sa datos ng Provincial Health Office na iprinesenta ni Senior Health Program Officer Sofia Lorna Ravago sa ginawang pagpupulong patungkol sa Aksyon Paputok Injury Reduction (APIR) kahapon na ginanap sa Audio Visual Room ng Provincial Capitol dito sa bayan ng Daet.
Huling nakapagtala ng double digit na firecracker related injury sa Camarines Norte noong 2019 na mayroong 14.
Noong 2020 sa kasagsagan ng COVID- 19 pandemic isang kaso lang ang naitala at noong 2021 at 2022 ay parehong may dalawang kaso.
Napag- usapan naman sa ginawang pagpupulong ang pangangailangan na magbalangkas ng ordinansa ng mga Local Government Unit para higpitan ang pagbebenta ng paputok.
