Mayor Pajarillo ng Mercedes ideneklarang non-working day ang June 13 dahil sa kapistahan ni San Antonio De Padua

CAMARINES NORTE- Ideneklara ni Mayor Alexander Pajarillo na non-working day sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte ngayong darating na June 13 dahil sa pagdiriwang ng kapistahan ni San Antonio De Padua, ang patron ng naturang bayan.

Batay sa Executive Order No 30-2023 na ipinalabas ng Alkalde nitong Biyernes, June 9, 2023, non-working day para sa lahat ng mga kawani ng Lokal na Pamahalaan at national government agency na nakabase sa naturang bayan sa nabanggit na petsa.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Wala ring pasok sa eskwela sa lahat ng lebel sa buong bayan.

Ang deklarasyong ito ay upang bigyang daan ang pagdiriwang ng kapistahan ng kanilang patron na dinarayo din ng maraming deboto mula sa loob at labas ng lalawigan.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Ayon sa Executive Order matagal ng tradisyon sa naturang bayan na ipagdiwang ang kapistahan ni San Antonio De Padua at ito umano ay nakapaloob na sa kultura ng mga Mercedeños.

Mababatid na isa ang naturang santo ng simbahang katolika na kilala at maraming nagdedebosyon.