Naniniwala ang Bureau of Immigration na kinakailangan na ng collaborative efforts sa pagitan ng mga law enforcement agencies, NGOs, intelligence unit at private sector para malabanan ang human trafficking.
Ginawa ni BI Commissioner Norman Tansingco ang pahayag kasunod ng inilabas na notice ng Interpol kaugnay ng lumalawak nang kaso ng human trafficking.

Sinabi ng opisyal na ang problema sa human trafficking ay itinuturing nang malala kaya kinakailangan ng pagtulungan ito ng iba’t ibang sektor.
Simula pa lamang ng pumasok ang taon na ito, mahigpit na nilang minomonitor ang mga modus sa human trafficking na ayon sa Interpol ay nag transform mula sa regional crime phenomenon na ngayon ay itinuturing ng global threat.//CA