May TB sa Naga City, dumami!

NAGA CITY –Kinumpirma ni Grace Guevarra, head ng City Hygiene Clinic na mas dumami ngayon ang may sakit na tuberculosis sa Naga City, kaya nagkaroon ng problema sa supply ng gamot para sa mga ito na ayon sa kanya ay meron namang gamot ngunit kulang at madali namang nagawan ng paraan ng kanilang klinika.

Sa kanyang paliwanag sa Brigada News Fm Naga,natuklasan nila ang pagdami ng bilang ng mga may sakit na TB sa lungsod dahil na rin sa patuloy nilang pagpatupad ng TB-HIV Collaboration Program ng Department of Health na ang pinakalayunin ay maiiwas ang mga pasyente na magka impeksyon na dala ng HIV/AIDS. Hawak naman ng DOH ang bilang nito.

Wala anyang pinipili ang sakit na TB na kahit mga bata ay puwedeng magkasakit tulad ng mga matatandang mayoriyang may ganitong problema sa kalusugan na madaling mahawaan ng HIV/AIDS kung hind imaging regular ang gamutan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *